Kanina, nagpaprint ng Petition para makapag-Bar Exams and sister-in-law ko na si Donna. Ewan kung bakit, pero bigla akong binaha ng mga alaala nung panahong nasa law school pa lang ako, at di ko pa nakuha ang pinakakamimithing four-letter word (with a period) na magsisilbing gate pass ko sa Supreme Court.
Eto siguro ang iilan sa mga common experiences ng mga law students:
1. Pag tinawag ka at di mo na alam ang sagot, sumagot ka na lang ng "I'm sorry Sir/Ma'am, I wasn't able to read the case (kung case ang tinatanong) o I don't know the answer (for other questions)." Upo ka na. Bokya. Eto ang tinatawag na picture-taking. After at least five hours of reading and memorizing, wala pang 10 seconds ang itinayo mo sa room. Ang grade mo dun 60, minsan pa nga eh tumataginting na 0.
2. Pag natawag ka uli kasi lahat pala kayo di nabasa yung case na yun, ang grade mo, 60 ulit. Yun ang double murder. Wow, sa loob ng isang araw, pag swerte ka kasi konti lang ang pumasok, makakatatlong 60 ka. Lagpas perfect score na diba?
3. Pag absent ka at natawag ka, double 60 agad ang grade mo. Pero at least, di ka na napahiya at nagmukhang bobo. (May ibang prof. na hindi naman ganito ang policy. Dinosaurs sila- meaning, endangered species na sila kasi iilan lang sila na may puso)
4. Pag may prof kang di nagtatawag ng attendance, mas mabuti nang mag-absent nang mag-absent para alam mong pagpasok mo, ikaw na ang matatawag. Di mo na kailangang i-endure yung torture ng pagbabalasa ng prof. mo ng classcards at pag-iintay ng pangalan mo as the next contestant in the Q&A portion.
5. Sa law school, nagiging madasalin ang mga estudyante, dahil laging nagdarasal , "Dyoskopo, sana di ako matawag, promise bukas mag-aaral na ako..." At ang two best prayers, "Lord, sana walang pasok or sana absent si Prof." (nakapikit pa ang mata habang nagdadasal.)
6. Napapagkamalan kang preacher sa bus pag pumapasok. Bukod kasi sa naka-postura ka pag pumasok, may hawak kang makakapal na hardbound book na mukhang Holy Book. Codal pala yun.
7. Normal lang na during school hours eh amoy yosi ang room kasi yung prof mong dragon eh chain smoker. Sino ka ba naman para umangal?
8. Makapal ang kalyo ng mga daliri mo, hindi lang dahil sa mahahaba ang sagot sa essay-type questions tuwing exams kundi dahil naranasan mo nang kopyahin and buong libro mo sa iyong notebook. May iba kasing prof. na bawal ang may nakabukas na libro habang nagkaklase, pero pwede naman ang notes. Kaya yung iba, kinokopya na lang ang buong libro sa notebook nila, para mukhang notes din. May iba akong kaklaseng maparaan. Ang ginawa nila, pinaphotocopy nila ang libro at isa-isang dinikit ang pahina sa notebook nila. Mukha nga namang "notes" pag sa malayo.
9. Hindi lang libro ang kinokopya. Pati kaso na nadecide ng Supreme Courts, dina-digest or sinasummarize at kailangan isalin sa sariling sulat-kamay sa yellow pad o sa bond paper. Mga 200-300 cases lang naman to, no sweat diba? May affidavit pa yun attesting that it is your own handwriting.
10. Balik sa amoy yosi. Kung hindi ka nagyoyosi, medyo di mo kadikit ang prof, kasi habang andun sila sa labas habang break at nagchi-"chill", ikaw ay kasalukuyang nagmememorize ulit dahil baka matawag ka na. Besides, ayaw mo ng amoy usok, kaya take cover na sa room.
11. Kung di ka amoy yosi, amoy kape ka na. Kase gising na lang ulit yung alagang tandang ng kapitbahay mo, ikaw, di ka pa rin natutulog. Yung eyebags mo nga, ga-maleta na eh.
12. Bihira ang pumapasa sa midterms, lalo na sa first year. Bakit nga ba? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit.
13. Maraming matulungin sa law school, lalo na sa recitation. Naranasan ko ang maging Presidential Advisor during recitation- yung taga-bulong ng sagot habang recitation. Pero mas malimit na ako ang tinuturuan, lalo na nung 1st year. Minsan nga, may classmates nga akong nagsulat sa papel ng sagot, nasa kabilang side sila ng kwarto, para lang mapaupo na ako kasi kinalyo na ang paa ko sa pagtayo, wala pa din akong masagot, eh ayaw naman akong paupuin na ng prof at bigyan na lang ng 60! Ang problema lang, ang ginamit nila eh stabilo na color yellow! Wala akong nabasa! Pero grateful pa din ako. It's da thot dat counts. (Uy, baka nagbabasa niya siya ng blog ko, malaman niyang siya yun!)
14. Favorite expression ko nun habang recitation ay, "kainin na sana ako ng lupa!" Kaso hindi nangyayari yun. Yun din ang sinasabi ko nung naranasan ko yung nakasulat sa No. 13.
15. March na, fourth year ka na, hindi mo pa din alam kung ga-graduate ka na at makakapag-Bar na. May grad pic ka na nga eh, madami pang kopya na pwedeng ipamigay sa mga fans, pero di ka pa din pala ga-graduate! @&*^%$*&!!! Eto ang pamatay sa law school. So, balik ka na naman sa experiences No. 1-14.
Ka-LAW-ka!!!
Pahabol - Good luck kay Donna Tingzon-Cajote sa 2011 Bar Exams!
4 comments:
Hahaha! Natawa ko sa yellow highlighter namin. Kasi naman hindi uso ang pentel pen sa law school.
Hay naku Ja, this post brings back my many law school memories (both good and bad). Ang hate na hate ko e yung natawag na ko sa recitation one day, then the next day ako ulit ang matatawag at hindi na ko nagbasa kasi akala ko safe na ko. Gusto kong magsuicide pag ganun, hahaha. Pero tama ka. Ang pinakamasayang moments sa law school e tuwing absent ang prof! Mwahaha
ay naku Wendy, kainis talaga yun. Naka-triple round ka na, kasi medyo malaki ang cut ng classcard mo kesa sa iba kaya laging nabubunot, tapos yung iba di pa natatawag! Unfair!!
OO, heaven talaga, pag walang prof
sabi ni LA, guilty as charged siya sa No. 4
Jaja! Madami tayong "common" law school memories! Hahaha! Kakahiya, our kids might some day saw your post and my comments. Hahaha! :)
Post a Comment