Thursday, July 28, 2011

Panunumpa ng Kawaning Loko ng Gobyerno

Ako'y kawani ng gobyerno

Tungkulin ko na maglingkod kahit mababa ang sahod

Dahil dito, ako'y papasok nang maaga at magtatrabaho nang lampas sa oras kung may overtime pay at pameryenda

Magsisilbi ako nang magalang at mabilis sa lahat kagwapuhan at kagandahan

Pangangalagaan ko ang mga gamit, kasangkapan at iba pang pag-aari ng pamahalaan, kasama na ang games, ang internet, and headphone at iba pa

Magiging pantay at makatarungan ang pakikitungo ko sa mga lumalapit sa aming tanggapan, pero higit pa sa pagkapantay kung kagwapuhan at kagandahan

Magsasalita ako laban sa katiwalian at pagsasamantala lalo na yung tungkol sa mga taong masisiba sa libreng meryenda

Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan sa kapakanan ng iba dahil ito ay pang sa akin lamang

Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol kung maliit

Sisikapin kong madagdagan ang aking talino at kakayahan upang lumevel-up naman ang aking kagwapuhan/ kagandahan

Pagkat ako ay kawani ng gobyerno, tungkulin ko ang maglingkod nang maganda at mahusay para makabayad sa renta ng bahay ko

At sa panahong ito, na merong bonus, ako at ang aking mga kapwa kawani ay sama-sama sa isang mall para lustayin ang pinaghirapang sahod na binawasan na ng sandamakmak na tax, tungo sa isang malaki, mapayapa at walang laman na bulsa.

Sa harap ninyong lahat, ako'y taos-pusong nanunumpa.



Disclaimer: This is a pun on the "Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno."

Some people will laugh at this and some won't. Either because they're guilty of doing the above, or because they have no sense of humor at all.

I enjoy working in the government and I wish civil servants would realize the true meaning of government service.

3 comments:

Wendy said...

"Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol kung maliit." LOL!

And mabuti ka pa may nakakahalubilo na kagwapuhan. Ako e pang 3rd govt employer ko na to pero ni ha ni ho e wala akong nakalubilong gwapo. Mga antipatiko na FGLG (feeling gwapo looking gago) meron.

jakie and the beadstalk said...

bwahahahahahaa...

walang gwapo dito. cute lang. pero di taga office- mga nagfa-file ng case. napapadaan lang sa gilid ko. so biglang tumutunog ang alarm ko!!!

sa bahay na lang ako babawi sa kagwapuhan! hahaha

Tiradauno said...

Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/