Thursday, July 28, 2011

Panunumpa ng Kawaning Loko ng Gobyerno

Ako'y kawani ng gobyerno

Tungkulin ko na maglingkod kahit mababa ang sahod

Dahil dito, ako'y papasok nang maaga at magtatrabaho nang lampas sa oras kung may overtime pay at pameryenda

Magsisilbi ako nang magalang at mabilis sa lahat kagwapuhan at kagandahan

Pangangalagaan ko ang mga gamit, kasangkapan at iba pang pag-aari ng pamahalaan, kasama na ang games, ang internet, and headphone at iba pa

Magiging pantay at makatarungan ang pakikitungo ko sa mga lumalapit sa aming tanggapan, pero higit pa sa pagkapantay kung kagwapuhan at kagandahan

Magsasalita ako laban sa katiwalian at pagsasamantala lalo na yung tungkol sa mga taong masisiba sa libreng meryenda

Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan sa kapakanan ng iba dahil ito ay pang sa akin lamang

Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol kung maliit

Sisikapin kong madagdagan ang aking talino at kakayahan upang lumevel-up naman ang aking kagwapuhan/ kagandahan

Pagkat ako ay kawani ng gobyerno, tungkulin ko ang maglingkod nang maganda at mahusay para makabayad sa renta ng bahay ko

At sa panahong ito, na merong bonus, ako at ang aking mga kapwa kawani ay sama-sama sa isang mall para lustayin ang pinaghirapang sahod na binawasan na ng sandamakmak na tax, tungo sa isang malaki, mapayapa at walang laman na bulsa.

Sa harap ninyong lahat, ako'y taos-pusong nanunumpa.



Disclaimer: This is a pun on the "Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno."

Some people will laugh at this and some won't. Either because they're guilty of doing the above, or because they have no sense of humor at all.

I enjoy working in the government and I wish civil servants would realize the true meaning of government service.

Tuesday, July 26, 2011

ANGRY with the BIRDS



Last week, I started playing the game Angry Birds by Rovio Mobile Ltd. I wanted to know why a lot of people are crazy about it.

The mechanics are quite simple, free the birds on the right side using placing the birds on the left on the slingshot. Drag the mouse to aim and bham! Check if your bird broke any cages or what have yous because your score depends on that and aim for the other birds.

It's a cute game actually.

When I was starting to play, I enjoyed the wishi-hhaaha-wakak--heeeheeee sounds that those birds make. But as I went thru the more difficult changes, I started to appreciate the thinking process involved just to clear a stage. It's not just a cute game of throwing birds into air but it is a puzzle!

Sometimes, I get frustrated with the stages because I know they are so difficult to complete and sometimes I would wish I would have twenty birds to shoot/throw to break all the stones/wood and ice just so I could clear the stage and get a new high score.

Anyway, I'm now on Level 16 of the Might Hoax Stage (PC version) and I'd have to end this blog so I could get back to work so that by lunch time, I would have spare time for my angry birds.


Sunday, July 10, 2011

Ka-LAW-ka

Kanina, nagpaprint ng Petition para makapag-Bar Exams and sister-in-law ko na si Donna. Ewan kung bakit, pero bigla akong binaha ng mga alaala nung panahong nasa law school pa lang ako, at di ko pa nakuha ang pinakakamimithing four-letter word (with a period) na magsisilbing gate pass ko sa Supreme Court.

Eto siguro ang iilan sa mga common experiences ng mga law students:

1. Pag tinawag ka at di mo na alam ang sagot, sumagot ka na lang ng "I'm sorry Sir/Ma'am, I wasn't able to read the case (kung case ang tinatanong) o I don't know the answer (for other questions)." Upo ka na. Bokya. Eto ang tinatawag na picture-taking. After at least five hours of reading and memorizing, wala pang 10 seconds ang itinayo mo sa room. Ang grade mo dun 60, minsan pa nga eh tumataginting na 0.

2. Pag natawag ka uli kasi lahat pala kayo di nabasa yung case na yun, ang grade mo, 60 ulit. Yun ang double murder. Wow, sa loob ng isang araw, pag swerte ka kasi konti lang ang pumasok, makakatatlong 60 ka. Lagpas perfect score na diba?

3. Pag absent ka at natawag ka, double 60 agad ang grade mo. Pero at least, di ka na napahiya at nagmukhang bobo. (May ibang prof. na hindi naman ganito ang policy. Dinosaurs sila- meaning, endangered species na sila kasi iilan lang sila na may puso)

4. Pag may prof kang di nagtatawag ng attendance, mas mabuti nang mag-absent nang mag-absent para alam mong pagpasok mo, ikaw na ang matatawag. Di mo na kailangang i-endure yung torture ng pagbabalasa ng prof. mo ng classcards at pag-iintay ng pangalan mo as the next contestant in the Q&A portion.

5. Sa law school, nagiging madasalin ang mga estudyante, dahil laging nagdarasal , "Dyoskopo, sana di ako matawag, promise bukas mag-aaral na ako..." At ang two best prayers, "Lord, sana walang pasok or sana absent si Prof." (nakapikit pa ang mata habang nagdadasal.)

6. Napapagkamalan kang preacher sa bus pag pumapasok. Bukod kasi sa naka-postura ka pag pumasok, may hawak kang makakapal na hardbound book na mukhang Holy Book. Codal pala yun.

7. Normal lang na during school hours eh amoy yosi ang room kasi yung prof mong dragon eh chain smoker. Sino ka ba naman para umangal?

8. Makapal ang kalyo ng mga daliri mo, hindi lang dahil sa mahahaba ang sagot sa essay-type questions tuwing exams kundi dahil naranasan mo nang kopyahin and buong libro mo sa iyong notebook. May iba kasing prof. na bawal ang may nakabukas na libro habang nagkaklase, pero pwede naman ang notes. Kaya yung iba, kinokopya na lang ang buong libro sa notebook nila, para mukhang notes din. May iba akong kaklaseng maparaan. Ang ginawa nila, pinaphotocopy nila ang libro at isa-isang dinikit ang pahina sa notebook nila. Mukha nga namang "notes" pag sa malayo.

9. Hindi lang libro ang kinokopya. Pati kaso na nadecide ng Supreme Courts, dina-digest or sinasummarize at kailangan isalin sa sariling sulat-kamay sa yellow pad o sa bond paper. Mga 200-300 cases lang naman to, no sweat diba? May affidavit pa yun attesting that it is your own handwriting.

10. Balik sa amoy yosi. Kung hindi ka nagyoyosi, medyo di mo kadikit ang prof, kasi habang andun sila sa labas habang break at nagchi-"chill", ikaw ay kasalukuyang nagmememorize ulit dahil baka matawag ka na. Besides, ayaw mo ng amoy usok, kaya take cover na sa room.

11. Kung di ka amoy yosi, amoy kape ka na. Kase gising na lang ulit yung alagang tandang ng kapitbahay mo, ikaw, di ka pa rin natutulog. Yung eyebags mo nga, ga-maleta na eh.

12. Bihira ang pumapasa sa midterms, lalo na sa first year. Bakit nga ba? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit.

13. Maraming matulungin sa law school, lalo na sa recitation. Naranasan ko ang maging Presidential Advisor during recitation- yung taga-bulong ng sagot habang recitation. Pero mas malimit na ako ang tinuturuan, lalo na nung 1st year. Minsan nga, may classmates nga akong nagsulat sa papel ng sagot, nasa kabilang side sila ng kwarto, para lang mapaupo na ako kasi kinalyo na ang paa ko sa pagtayo, wala pa din akong masagot, eh ayaw naman akong paupuin na ng prof at bigyan na lang ng 60! Ang problema lang, ang ginamit nila eh stabilo na color yellow! Wala akong nabasa! Pero grateful pa din ako. It's da thot dat counts. (Uy, baka nagbabasa niya siya ng blog ko, malaman niyang siya yun!)

14. Favorite expression ko nun habang recitation ay, "kainin na sana ako ng lupa!" Kaso hindi nangyayari yun. Yun din ang sinasabi ko nung naranasan ko yung nakasulat sa No. 13.

15. March na, fourth year ka na, hindi mo pa din alam kung ga-graduate ka na at makakapag-Bar na. May grad pic ka na nga eh, madami pang kopya na pwedeng ipamigay sa mga fans, pero di ka pa din pala ga-graduate! @&*^%$*&!!! Eto ang pamatay sa law school. So, balik ka na naman sa experiences No. 1-14.

Ka-LAW-ka!!!


Pahabol - Good luck kay Donna Tingzon-Cajote sa 2011 Bar Exams!


Tuesday, July 5, 2011

Letter to the President

Since it's "in" to ask from the President, I am writing this letter in the hope that the PCSO would also grant my request.


Dear President/Your Excellency,


Greetings of Peace! Instead of holding a birthday party last March, I decided to stay at home and contemplate about the letter that I will write to you.


Now, I have done a lot of contemplating and decided what I would ask from you.


I did not want to ask for a birthday cake because I already had one. I don't like parties so I won't ask for that too. I would have wanted money, but I might be able to spend it all in one go and would not be able to spend wisely so I have decided to ask for one thing.


I know I can do more to promote and work for peace. It is in this view that I am asking a favor from his Excellency. At present I really need a brand new car, possibly a 4x4, which I can use to reach the far-flung areas of Cavite. I hope yo will never fail to give a brand new car which will serve as your birthday gift to me. For your information, I have with me a fifteen-year-old car, KIT, which is not anymore in good running condition (good thing he won't be able to read this or he would surely have a fit). Therefore, this needs to be replaced soon. I'm anticipating your favorable response on this regard.


Thank you and I look forward to receiving it soon.


Love,


The Ever Lovable Me