Isa ako sa mga milyon-milyong commuter sa Pilipinas.*
Nakakapagod magcommute. Minsan umagang-umaga pa lang, pawis ka na kasi nakipaghabulan ka sa bus na tumigil sa tapat ng "no loading and unloading sign" habang ikaw ay naghihintay sa tamang sakayan. Kesa nga naman hindi ka makasakay kakasunod mo sa batas trapiko, eh tatakbo ka na lang at makikipagsiksikan sa iba pang pasahero.
Nakakalokang magcommute. May mga bus o jeep na magsasakay ng pasahero, babagal sila unti-unti sa gilid. Ikaw naman na si nagmamadali, nag-aabang na habang papalapit sila. Kaso ang sasakyan ay lalagpas sa iyo, so ikaw, lalakad naman at susubukang habulin ang sasakyan kasi mabagal lang naman. Tapos biglang haharurot yung sasakyan na nainip kakaintay sa iyo, dahil di ka pa sumampa habang nagbabagal sila! Kaloka!
Pero, may mga tao na nakakapagpa-anghang lalo ng pagko-commute. Yung alam na nga nilang ang hirap nang magcommute, lalo pa silang nakakapagpadagdag sa hirap at wala silang pakialam dun.
Isa na dito ay yung mga babaeng feeling feelingan sa MRT/LRT. Ang sikip na nga, nakadekwatro pa kasi naka-palda. EH DI SANA TINAKPAN MO NA LANG NG PANYO O FACE TOWEL, O DI KAYA KUMOT ANG PALDA MO PARA DI KA MASILIPAN. HINDI YUNG TUMATAMA NA YUNG SAPATOS MO SA BINTI KO!
Eto pa. May mga taong akala nila, na dahil sa 8 pesos na minimum fare nila eh entitled na silang magkalat sa loob ng jeep o bus. May nakasabay akong kumakain ng lansones sa jeep. Lahat ng balat at butong niluwa niya ay nasa sahig. Matanda na po siya, kaya di ko naman masungitan, kaya dinaan ko na lang sa tingin --- Sa mukha niya papunta sa kalat niya, balik sa kinakain niya at sa sahig. WALANG EPEK. DEADMA.
Meron pa, sa jeep uli. May mga pasaherong gustong gustong umupo sa gitna o malapit banda sa driver. Pero pag may nagbayad, hindi nila papansin at hindi mag-aabot ng sukli o ng bayad. Magkacramps na ang kili-kili mo, hindi ka pa rin nila pinapansin. May nakausap ako na nagsabi sa akin na isa siya sa mga taong ganito. Ang dahilan niya, eh madumi daw ang pera. EH BAKIT, HINDI BA SIYA HUMAHAWAK SA PERA? MALINIS BA ANG KAMAY NIYA? Ang sarap apakan ng paa!
Alam ko nakakita na kayo ng ganitong pasahero. Yung sisigaw ng "para" habang nasa gitna ng highway at humaharurot. At galit pa kapag hindi tumigil agad ang sasakyan. Ang mas nakakainis dito eh yung ang tagal niyo sa stoplight o kaya ay trapik sa daan, tapos pagka-abante ng mga limang metro ay saka pa-"para". Isa pang konektado dito ay yung pagkasabi niya ng "para" eh saka magbabayad tapos 100 daan pala ang pera niya eh minimum fare lang siya. Hay naku. Pasaway.
May mga pasahero din at driver na hindi rin yata nakakabasa. May malaking karatula na ng "NO-SMOKING" pero deadma pa din. Sa terminal o sa loob ng sasakyan, wala silang pakudangan magyosi. Para ka nang manok na hinahanda sa topada pag binugahan ka nila. Ano yung sa commercial dati na parang "It's ok you mind"? Yung sasabihin mo sa katabi mo na nagsisigarilyo na, "excuse me, but I mind you smoking in the jeep." Basta parang ganun. Anyway, pag sinabi mo yan, asahan mo na babastusin ka ng sinita mo. Twice a month na ako kung ubohin, hindi naman ako nagsisigarilyo. Magkaka-lung cancer ako sa mga dragon na ito. HAAAY NAKU ULIT!
Naalala ko nung buntis pa ako, ang laki-laki ng tiyan ko, nung araw na nagdeclare ng curfew yung isang magaling na presidente na may nunal sa mukha, walang nagpa-upo sa akin sa bus kasi matrapik. Sige lang, wala na talagang gentleman ngayon. Walang nakunsensya, kaya titirahin ko na lang sila dito! Sana tinubuan kayo ng kurikong sa p*@t!
Marami pang iba, kaso mahaba na ito. Baka wala nang magbasa. Kaya sa susunod na lang. Mamaya, babyahe uli ako pauwi, at mag-aabang uli ako ng iba pang klaseng mga pasaherong galing yata sa ibang planeta.
Ingat!
* this blog makes use of a mixture of Filipino and English words and some "Tagalized" English words to better express the author's thoughts
No comments:
Post a Comment