Ang menu nila ay nakasulat sa isang pirasong laminated paper. In fairness, glossy naman to at may kasamang pictures. Masarap kasing mag-order na ang pinagbabasehan mo ay yung picture ng mga pagkaing nakalagay sa menu. Ang hirap kasi imagine-in yung mga pagkain na kakaiba ang tunog tulad ng...
Bangus ala Pobre - Pang mahirap ba ito kaya pobre? O mahirap yung nagbreed ng Bangus kaya pobre?
Chicken ala King - May korona ba yung manok pag hinain kasi King? Ibig sabihin, may palong pa siya? Mahal ba ang per order nun kasi baka pang mga royalty lang ang pwede makakain nun?
Sizzling Gambas - Ah, eto, nung una kong nakita ito sa isang restaurant, napabalikwas ako ng tingin kasi akala ko nagseserve sila ng insekto. Hindi naman pala. Wala daw kasing "arrive" kapag sizzling hipon lang ang nakalagay sa menu eh.
Vegetable Au Gratin - Naku, spelling pa lang nakakatakot na kainin, paano pa kaya ang lasa? Yun pala gulay lang na pang-chopsuey na imbes na osyter sauce at toyo ang sauce eh cream ang nilagay. Kaya nga ba kailangan ang picture eh.
Hay, ang dami ko pang example pero pupunta na ako sa "experience" namin nung kumain nga kami dun sa isang binalot restaurant.
So, after naming magtingin-tingin sa picture sa menu, napag-isipan namin na ang gusto ko ay lugaw at lumpiang shanghai. At dahil marami pang mukhang masarap sa picture, balak kong umorder uli pagkatapos kong matikman si lugaw at lumpia.
Pero ang nakakapikon, titingnan ko pa dapat yung menu, kaso kinuha na ng waitress ang menu at ibinigay sa bagong dating na customer. Bakit ganun? Ang daming kayang restaurant na ganun, excited bawiin yung mga menu nila, para namang iuuwi ko! Iaabot ko naman sa kanila kapag ayaw ko nang magtingin ng picture. Hmph.
Atat na atat silang kunin ang menu eh namimili pa ko ng next course eh. Pano kung gusto ko pang mag next round, or mag dessert, o gusto ko pang magwaldas ng pera at tikman lang ang lahat ng nasa picture!? Eh kinuha na nila!
(Pero buti na din kinuha na nila, kasi di pala masarap yung luto nila, di ko naubos yung maligamgam na lugaw. Yung lumpia, hindi ko na halos nginuya para lang malunok ko na agad at maubos na. Sayang naman kasi eh gutom pa naman ako.)
Sana nag print na lang sila ng maraming menu diba? Nakakainis tuloy.